04/06/2026
๐จ ๐๐ฎ๐-๐๐จ๐ฆ๐ฆ๐ข๐ญ๐ญ๐๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐
๐ฅ๐จ๐จ๐ ๐๐จ๐ง๐ญ๐ซ๐จ๐ฅ ๐๐๐๐ฆ: ๐๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ข๐ฌ๐ฒ๐ ๐๐ ๐จ ๐๐๐ ๐ฆ๐๐ฆ๐๐๐๐ฅ๐ข?
Ngayong araw, naging mainit na usapan sa publiko ang tila minamadaling pagbuo ng isang blue ribbon sub-committee na tututok sa umanoโy flood control scam. Sa unang tingin, maganda ang layuninโsino ba naman ang ayaw panagutin ang mga nagnanakaw sa pondo ng bayan, lalo na sa mga proyektong pangkaligtasan natin laban sa baha?
Subalit, malaking kuwestiyon sa marami kung bakit tila may "pagmamadali" sa prosesong ito. Higit lalo, umani ng matinding batikos ang balita na ang pamumunuan umano ito ni Sen. Rodante Marcoleta.
Ang Tanong ng Bayan: Paano magiging patas ang imbestigasyon kung ang mismong namumuno ay may mabigat na bitbit na usapin?
Bakit nga ba marami ang umaalma? Narito ang ilang isyung kasalukuyang kinakaharap ni Marcoleta na nagpapababa sa tiwala ng publiko sa kaniyang kredibilidad bilang tagapangulo:
๐๐ถ๐๐ฐ๐ฎ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐๐ฒ๐ฐ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐๐๐๐๐ฒ: Ang mga alegasyon ng pagprotekta umano sa ilang kontrobersyal na personalidad o contractor.
๐ฃ๐ต๐ฝ ๐ฑ๐ฌ๐ฌ-๐ ๐ถ๐น๐น๐ถ๐ผ๐ป ๐๐ป๐๐ฒ๐ฟ๐๐ถ๐ผ๐ป: Ang usapin ng kahina-hinalang singit na pondo sa pambansang badyet ni Marcoleta
๐๐ก๐ช๐ฃ๐๐๐ง ๐พ๐๐จ๐: Ang kinakaharap na seryosong sakdal ng pandarambong na mismong sumusubok sa kaniyang integridad.
Hindi natin maitatwa ang prinsipyo ng delicadeza. Para sa isang komite na naglalayong magsaliksik ng anomalya at korapsyon, napakahalaga na ang mamumuno rito ay walang bahid ng katulad na isyu. Paano natin aasahan ang isang malinis, walang kinikilingan, at transparent na imbestigasyon kung ang mismong "huwes" ay may sariling mga kontrobersyang dapat sagutin?
** # accountability **