09/03/2026
3 dahilan kung bakit nalulugi ang negosyo mo.
Kung may negosyo ka,
alam mo na hindi araw-araw maganda ang benta.
May araw na tuloy-tuloy ang orders.
May araw na parang walang pumapasok.
Normal iyon.
Pero kung palaging mahina ang kita,
o palaging kulang ang pumapasok na pera,
kailangan mo nang tingnan mabuti kung ano ang nangyayari.
Kasi minsan, hindi malas ang problema.
May tatlong bagay lang na kailangang ayusin.
Una, kulang sa value.
Kung ang goal mo lang ay
βbasta makabenta,β
madaling mawala ang customer.
Pero kapag ang focus mo ay
magbigay ng magandang service,
maayos na quallity,
at honest na trabaho,
bumabalik ang tao.
Sa negosyo,
ang tiwala ang tunay na puhunan.
Pangalawa, kulang sa disiplina.
May negosyo na maganda ang idea,
maganda ang produkto,
pero hindi consistent ang effort.
Minsan nagpo-post.
Minsan hindi.
Minsan nagfa-follow up.
Minsan nawawala.
Ang negosyo hindi lumalago sa biglang sipag.
Lumalaki ito sa
maliit pero tuloy-tuloy na ginagawa araw-araw.
Pangatlo, kulang sa tamang pag-iisip.
Kung araw-araw mong iniisip
βmahina ang negosyo,β
βbaka malugi ako,β
βmas magaling sila kaysa sa akin,β
madalas ang galaw mo
punong-puno ng takot.
At ang negosyo na pinapatakbo ng takot
madalas hindi lumalakas.
Proverbs 21:5
βThe plans of the diligent lead surely to profit.β
Hindi sapat ang sipag lang.
Kailangan may plano.
May disiplina.
At may tamang mindset.
Kapag inayos mo ang tatlong ito,
unti-unti ring babalik ang lakas ng negosyo mo.