24/10/2025
13 MGA KAPITAN NG IBA'T-IBANG BRGY. SA GASAN SUSPENDIDO!😱😱😱
Ayon sa aking mga nakalap na balita 13 Kapitan sa Gasan, Marinduque, Sinuspinde Umano nang Walang Basehan: Upang Bigyang Daan ang Kandidatong Liga President ng Mayor?. 🤔🤔🤔
Umani ng batikos at agam-agam mula sa mga residente at ilang sektor ng lokal na pamahalaan ang biglaang pagsuspinde ng 13 Punong Barangay sa bayan ng Gasan. Ayon sa aking nakalap na balita, isinilbi ang Preventive Suspension Order ng Mayor ng Gasan laban sa mga kapitan na diumano'y hindi niya kaalyado sa pulitika. "ARAY KO" 🤔🤔🤔
Ayon sa reklamo, ang suspensyon ay ibinatay "DAW" sa Section 63 ng Republic Act No. 7160
o mas kilala bilang Local Government Code of 1991, ay ginagamit umano bilang legal na batayan sa pagpapataw ng preventive suspension sa 13 kapitan dahil sa reklamong administratibo na kinabibilangan ng katiwalian, grave misconduct, at gross neglect of duty.
Ngunit ayon sa ilang lokal na mamamayan, ang suspensyon ay tila walang matibay na ebidensyang inilahad at sinasabing pinulitika lamang. 🫢🫢🫢 Ayon pa sa aking impormasyon, ang hakbang na ito ay tila ginawa upang bigyang-daan ang kandidatura ni Karin De Villena, Kapitana ng Barangay Banot, bilang President ng Liga ng mga Barangay.
MATATALO BA MANOK MO SA BOTOHAN NG LIGA KAYA ALISIN NALANG MGA HINDI KAALYADO PARA MANALO?🤣🤣🤣
GAGAWIN BA ANG LAHAT PARA MAKAPWESTO 😂😱🫢